Mga gumagamit ng Oky
Oky para sa girls
Ginawa ang Oky para sa girls na edad 10 hanggang 19, pero angkop ang laman nito para sa sinumang gusto pang matututo tungkol sa regla!
Nagkakaroon ng regla ang lahat ng mga babae. Natural lang ito! Pero madalas ikinahihiya ito ng girls dahil sa negatibong pagtingin sa regla. Madalas ring kulang ang impormasyong alam nila tungkol sa mga pagbabagong nangyayari sa katawan nila sa panahon ng pagdadalaga.
Kaya nagiging stressful minsan ang regla, kahit na hindi naman dapat!
Layon ng Oky na alisin ang hiya at mga bad feelings na nakakabit minsan kapag pinag-uusapan ang regla, at siguruhing makakakuha ang girls ng impormasyong kailangan nila para mapangalagaan ang sarili tuwing may regla.
Oky para sa boys
Makikinabang din ang boys sa Oky!
Pwede nilang gamitin ang encyclopedia para malaman ang mga interesting at informative facts tungkol sa puberty at ibang topic na gusto nilang malaman.
Oky para sa mga magulang
Binibigyan ng Oky ng tamang impormasyon ang mga magulang tungkol sa mga pagbabagong nangyayari sa kanilang mga anak na nagdadalaga.
Pwede itong makatulong para mas madali at kumportableng mapag-usapan ng mga magulang at ng mga nagdadalaga o nagbibinatang anak ang puberty at mga katanungan nila tungkol dito.
Oky para sa mga guro
Magandang tool din ang Oky para sa mga guro!
Pwedeng gamitin ng mga guro, health workers, o iba pang miyembro ng komunidad ang Oky para makakuha ng tamang impormasyon tungkol sa regla, puberty, at kalusugang sekswal at reproduktibo. Pwede rin nilang ipakilala ang Oky sa mga estudyante at hikayatin silang gamitin ito bilang karagdagang tool para mapalalim ang kaalaman nila.