Mga tuntunin ng Oky
Girl-led design
Ginawa ang Oky para sa mga babae, kasama ang mga babae sa paraan ng girl-led design at maiging research katuwang ang girls, ang mga malapit sa kanila, at mga boys. Sa bawat hakbang, ang mga batang babae ang nagdedesisyon: sila ang namili ng itsura at dating ng Oky, ang mga gamit at feature nito, at pati ang mga pangalan at look ng avatars.
Ang pagkonsulta sa girls sa bawat stage ng pag-design at pag-develop ay nakatutulong makasigurong may halaga ang Oky sa kanila.
Gamified approach
Gamit ang gamified na disenyo ng Oky, pwedeng i-personalize ng mga gumagamit nito ang app: maaari silang pumili ng sarili nilang avatar at theme, sumagot ng quizzes, at makatanggap ng mga mensahe sa avatars nila.
Gumagamit ng lengguwaheng positibo ang pagtingin sa regla at katawan para mawala ang hiya at madagdagan ang saya sa pagdadalaga at pagbibinata.
Nakadisensyo ayon sa mga digital reality ng girls
Nakatulong ang girl-centered research para lalong maintindihan ang mga karanasan at kagawian ng mga girls sa digital platforms. Maraming mga babae ang nakikigamit ng phone, o nakatira sa lugar na madalang ang data at signal, o gumagamit ng low-end smartphones.
Binuo ang Oky para maging angkop sa ganitong digital reality. Hindi kumakain ng malaking space ang app para sa mga lower end na phone, at gumagana ito kahit walang internet connection. Pwede ring mag-log-in ang higit sa isang user gamit ang iisang phone. Mayroon itong security feature at passcode protection. At angkop ito sa konteksto at wika ng girls.
Impormasyong nakabase sa ebidensiya
Nagbibigay ang Oky ng tamang impormasyon tungkol sa regla, pagdadalaga, at kalusugang reproduktibo na dumaan sa health experts at nasa wikang angkop para sa girls. Lahat ng laman ng Oky ay alinsunod sa internasyonal na pamantayan para sa edukasyon tungkol sa sekswalidad.
May listahan din ang Oky ng mga online at offline referral services kung sakaling kailangan ng suporta.
Open source
Ang code at global content ng Oky ay bukas sa publiko
Kahit sino ang puwedeng gumamit ng code at nilalaman ng Oky nang walang bayad sa pagdevelop at lisensiya. Bahagi ng pagiging “open source” ng Oky ang pagiging bukas nito para sa pakikipagtulungan sa pagpapaganda nito at sa pagbuo ng isang talagang global na Oky community.
Pwedeng mahanap ang code ng Oky sa GitHub at maaari ring mahingi ang nilalaman nito sa pamamagitan ng pagrequest.
Private at secure
Sa Oky, mahalaga ang privacy.
Hindi kinokolekta ng Oky ang impormasyong pwedeng gamitin para makilala ang users dahil hindi ito kailangan para magamit ng girls ang app.
Ang impormasyon ng mga user tungkol sa kanilang regla ay nananatiling private at secure, at may passcode na sinisigurong sila lamang ang makakapagbukas ng account nila. May mga proseso ang Oky sa paggamit ng data para masigurong protektado ito.