Wika

Select Page

Mga partner ng Oky

Binubuo namin ang global community ng Oky

Ang implementing partners ang namumuno sa pagpapakilala ng Oky sa kanilang lokal na market gamit ang franchise model. May access sila sa brand assets ng Oky at nakakakuha ng suporta mula sa Oky community at mga contributing partners nito. Ang implementing partners ay maaaring mga NGO, social enterprise, o education at health service providers. Ina-adopt nila ang localized na Oky app bilang parte ng kanilang mga serbisyo at programa para sa mga dalagang babae.

Bilang founding partner ng Oky, ang UNICEF ang unang nag-invest para gawin ang Oky kasama ang mga girls at simulan ang pagbuo ng isang ecosystem para sa digital health ng girls. Tumatayo ngayon ang UNICEF bilang supporter, facilitator, technical advisor, partnership broker, at resource mobilzer.

Marami ring contributing partners ang Oky mula sa iba’t ibang sektor na sumusuporta sa paglago ng app. Kabilang sa mga pakay ng partnership ang app accessibility, comms at brand assets, content, funding, girls’ engagement, research, marketing at promotions, technology, UX at design. 

Interesadong maging Oky partner?

 

Malaya kaming nangangarap. Nais naming makatulong ang Oky sa milyon milyong babae sa buong mundo. At kailangan namin ng mga katuwang.

Ang franchise partners ang magdadala ng Oky sa mga bagong market at magpapalawak ng Oky ecosystem.

Para matulungan ang mga babae na magkaroon ng normal at malusog na pagreregla. Para sila ay malayang makapagpasya tungkol sa kanilang katawan at buhay.

Kontakin kami para maging bahagi ng Oky community!

I-download ang Oky

icon

Para sa Android

Hanapin ito sa Play Store

google play

Google Play and the Google Play logo are trademarks of Google LLC.

Direktang I-download ang Oky

QR  Code
Coming soon

Abangan sa iOS