Calendar
Malalaman mo kung kailan darating ang regla mo bawat buwan gamit ito!
Pwede kang pumili ng iba’t ibang paraan makita ang calendar mo — kung araw-araw ba o buwanan — para maisakto para sa iyo ang mga prediction ng regla mo. Kung mas madalas mong sagutin ang daily diary cards, magiging mas swak ang prediction kung kailan ka magkakaroon ng regla!
Tandaan lang na prediction lang talaga ang maibibigay ng Oky kung kailan ang iyong susunod na regla. Dahil madalas magkaroon ng irregular periods ang kababaihan, pwedeng hindi perfect ang maibigay na araw ng susunod mong regla.
Personalize Oky
Buddies
Mamili ng Oky friend na gagabay sa’yo sa paggamit ng app at mamili ng background na gusto mo!
Pwede mong baguhin ang Oky friend at background mo kailanman!
Encyclopedia
Ang kaalaman ay kapangyarihan!
Nilalaman ng Oky encyclopedia ang lahat ng impormasyong kailangan mong malaman tungkol sa regla at sa iyong katawan
Puno ito ng mapapagkatiwalaan, tama at kompletong impormasyon na dumaan sa pagsusuri ng mga health expert.
Pang-araw-araw na Diary
I-track ang iyong mga nararamdaman at ginagawa mo sa araw-araw para mas makilala mo ang ‘yong sarili.
Plus, makikita mo ang mga tips para maging malusog at masaya, at mga quizzes para tulungan kang matuto sa masayang paraan!